Monday, November 28, 2016

Ano nga ba tayo?

Ano nga ba tayo? 
Tanong na paulit ulit na umiikot sa utak ko
Tayo na ba o hindi pa?
Nanliligaw ka ba?
Ano nga ba talaga?

Hinawakan mo ang kamay ko.
Niyakap mo ako ng mahigpit, mainit hanggang magising ako.
Hinagkan mo ang mga labi ko.
Pinatibok ang natutulog kong puso.

Ano nga ba tayo?

Pinupuntahan mo ako sa opisina.
Araw ko'y palagi mong kinakamusta.

Ingat ka.
Kumain ka.
Mahalaga ka.
Espesyal ka.
Gusto din kita.

Gusto mo din pala ako. Pero ano nga ba tayo?
Kasi ang gulo.
Ang komplikado ng ganito.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Saan ako lulugar sa buhay mo.

Ano nga ba tayo?

MU tayo.

MU?

Ano yun?

Kinakain ba yun?
Estado ba ng relasyon yun?
Anong ibig sabihin nun?
Dapat ko bang ikatuwa na MU tayo?
Na MU LANG tayo?
Matapos mong iparamdam ang lahat ng ito. MU LANG TAYO?
MU? 

Yan tayo.
Malabong usapan.
Malanding ugnayan
Mayroon na parang wala.
Yan tayo.

Bakit mo ako pinapaikot?
Dinadala?
Nilulunod?
Sa mga mabubulaklak mong salita.
Saan ba ito patutungo?
Kasi naguguluhan na ako
Nalilito na ako
Nawawala na ako sa ulirat sa tuwing tinanong ko sa sarili kong....

Ano nga ba talaga tayo?

Saan ba tayo patungo?

O may patutunguhan nga ba tayo?

Tayo?

Ano yun? May ganoon ba sa ating dalawa? Ang tayo?

Ang alam ko lang merong ikaw at ako.
Pero walang tayo.
Kaya ngayon alam ko na ang sagot sa tanong na, ano nga ba tayo? 
Walang tayo. 
Mayroong ako na nagmamahal sayo.
Mayroong ikaw na pinapaikot ako sa mundo mo hangga't may pakinabang pa ako sayo.
Nakuha mo na ang gusto mo.
Di mo na kailangan pang sagutin ang tanong kung ano nga ba tayo.

Ako naman ang sasagot sa tanong mo na isinagot mo sa tanong ko.
Kung gusto ko na bang itigil ito?

Ayaw ko pero OO.

Ayaw ko dahil mamamatay ako kapag nawala ka.
Mamamatay ang puso ko kasama ang pag-asa na binuo mo gamit ang iyong talentadong dila.
Mamamatay ang ako na nabuo dahil sayo.
Mamamatay ang katawang lupa na meron pala ako.
Ayaw ko dahil pinaramdam mong kaya kong magmahal ng isang katulad mo.
Ngunit ayaw ko dahil di ko kayang makitang may kasama ka ng iba, ayaw ko...

Ayaw ko.
Ayaw ko.
Ayaw ko.

Pero OO dahil kailangan ko.
Dahil ayaw kong mamatay ang natitirang pagmamahal na mayroon ako para sa sarili ko.
Dahil ayun na lang ang pinanghahawakan ko.
Para wag sumuko.
Sa mundong akala ko'y mayroong tayo.
Sa mundong ako lang pala ang tao.




****
My Entry to the Love Letters That I Never Sent

No comments:

Post a Comment