Ayaw ko na.
Itigil na natin ito.
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob na putulin ang kung ano mang mayroon sa ating dalawa.
Ang alam ko lamang ay gusto ko ng kumawala.
Kumawala sa mundong ikaw mismo ang gumawa
At sumira
Sumira ng pag-asang may pag-asa tayong dalawa
Gusto mo na bang itigil ito?
Tatlong araw kong pinag-isipan
Binalikan
Ang tanong na gumulo sa kung ano mang mayroon tayo
Ayaw ko na.
Itigil na natin ito.
Dalawang oras kong paulit ulit na isinusulat at binubura
Malalim na pinag isipan kung handa na ba akong tapusin ang kung ano mang mayroon tayo
Heto na naman ako sa salitang tayo
Walang tayo
Kaya nga tinigil ko na
Tinapos ko na
Kung ano man ang mayroon sa ating dalawa
Tama na!
Tama na!
Sigaw ng isipan ko sa puso ko.
Tama na!
Maawa ka!
Hindi ko alam kung nung tinapos ko at ang nabunot na tinik sa dibidib ko ay dahil gusto ko na talagang tapusin o gusto ko lang na ako ay iyong habulin
Ngunit hindi mo ginawa.
WALA KANG GINAWA.
Ipinamukha mong wala akong lugar sa buhay mo
Na wala lang ang lahat
Na isa lang akong pagpipilian
Parausan
Habulin mo ako...
Hinihintay ko lang na habulin mo ako...
Pigilan mo ako
Huwag mo ako hayaang mawala sa buhay mo
Dahil walang pag aalinlangan.
Babalik ako. Babalik ako sayo.
Kahit isang malaking katangahan, gagawin ko.
Ipakita mo lang na importante ako sayo
Ipakita mo lang na may lugar ako sa buhay mo
Sabihin mo lang na may patutunguhan yung 'tayo'
Sabihin mo lang na magkakaroon ng 'tayo'
Kahit nga wala ng 'tayo'
Magpapakatanga akong muli para sayo.
No comments:
Post a Comment